{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagwawakas siya ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
Explanation
Benefits
Ang pagkakinakailangan ng takbīratul'iḥrām na nababawal ang bawat sinasabi at ginagawang sumasalungat sa mga sinasabi sa ṣalāh at mga ginagawa rito, at na ang iba pa sa pormularyong ito ay hindi naipapalit dito para sa pagpasok sa pagsasagawa ng ṣalāh.
Ang pagkakinakailangan ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah.
Ang pagkakinakailangan ng pagyukod at ang pinakamainam dito ay ang pagtutuwid ng likod nang walang pagkaangat at pagkababa.
Ang pagkakinakailangan ng pag-angat mula sa pagkakayukod at ang pagkakinakailangan ng pagtuwid sa pagkakatayo matapos niyon.
Ang pagkakinakailangan ng pagpapatirapa at ang pagkakinakailangan ng pag-angat mula rito at pagtuwid habang nakaupo matapos niyon.
Ang pagkaisinasabatas ng paglatag ng tagapagsagawa ng ṣalāh ng kaliwang paa niya at pagtukod ng kanang paa sa pag-upo sa ṣalāh. Hinggil naman sa pagsasagawa ng huling tashahhud sa ṣalāh na may dalawang tashahhud gaya ng maghrib at `ishā', ang isinasabatas ay ang pag-upong tawarruk, na may nasaad na hinggil doon na maraming iba pang ḥadīth.
Ang pagbabawal sa pakikiwangis sa demonyo sa pag-upo nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-upo sa mga sakong niya at paglatag ng mga paa niya sa lapag o pagtukod ng mga paa at pag-upo sa pagitan ng mga ito sa lapag.
Ang pagbabawal sa pakikiwangis sa mabangis na hayop sa paglatag nito [ng mga pata]. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-unat ng tagapagsagawa ng ṣalāh ng mga braso niya sa lapag sapagkat tunay na ito ay tanda ng katamaran at kahinaan.
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa demonyo at mga hayop sa mga gawain ng mga ito.
Ang pagkakinakailangan ng pagwawakas sa ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm, na isang panalangin para sa mga tagapagsagawa ng ṣalāh, mga nakadalo, at mga nakalibang maayos na tao, ng kaligtasan sa lahat ng mga kasamaan at mga kakulangan.
Ang pagkakinakailangan ng kapanatagan sa pagsasagawa ng ṣalāh.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

