Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Salmān (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi siya: "Nagsabi sa amin ang [isa sa] mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay nakakikita sa kasamahan ninyo na nagtuturo sa inyo hanggang sa magturo siya sa inyo ng pagpapalikuran." Nagsabi siya: "Siya nga. Tunay na siya ay sumaway sa amin na mag-iwang ang isa sa amin sa pamamagitan ng kanang kamay niya o humarap sa qiblah. Sumaway siya laban sa [pag-iwang ng] dumi at buto [ng hayop]. Nagsabi siya: Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}
Explanation
Benefits
Ang paglilinaw sa ilan sa mga etiketa ng palikuran at paghuhugas ng ihi at dumi.
Ang pagbabawal sa pagharap sa qiblah sa sandali ng pag-ihi o pagdumi batay sa sabi niya: "Sumaway sa amin" dahil ang batayang panuntunan sa pagsaway ay ang pagbabawal.
Ang pagsaway laban sa paghuhugas o pag-iwang sa pamamagitan ng kanang kamay bilang pagpaparangal para rito.
Ang pagsasamainam sa kanang kamay higit sa kaliwang kamay dahil ang kaliwang kamay ay ginagamit sa pag-aalis ng mga karumihan at mga minamarumi at ang kanang kamay naman sa iba pa roon.
Ang pagkakinakailangan ng pag-aalis ng karumihan sa pamamagitan ng tubig o mga bato [o tissue,] maging kaunti man o marami.
Ang pagsaway laban sa pag-iwang ng higit na kaunti kaysa sa tatlong bato dahil ang higit na kaunti sa tatlong bato ay hindi nakalilinis sa kadalasan.
Ang bawat anumang natatamo sa pamamagitan nito ang pinapakay na pagpapakadalisay at pagpapakalinis, tunay na ito ay nakasasapat. Bumanggit lamang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga bato dahil ang mga ito ang nangingibabaw [na ginagamit noon] at ang hindi gayon ay walang pagkaintindi para rito.
Ang pagsasakaibig-ibig ng paglimita ng pag-iwang sa bilang na gansal ngunit kapag natamo ang kalinisan sa apat ay isinasakaibig-ibig na magdagdag ng ikalima at gayon nga batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang mag-iiwang ay magsagawa sa gansal [na bilang]."
Ang pagsaway laban sa pag-iwang sa pamamagitan ng dumi ng hayop dahil ito ay maaaring marumi at maaaring dahil ito ay kumpay ng mga hayop ng mga jinn.
Ang pagsaway laban sa pag-iwang sa pamamagitan ng buto ng hayop dahil ito ay maaaring marumi at maaaring dahil ito ay pagkain ng mga jinn mismo.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

