SALATUL EID

صلاة العيد باللغة الفلبينية

Kabilang sa layunin ng kautusan sa Islam ay pagkakaisa ng puso’t damdamin at kapatiran ng mga Muslim. At ipinag-uutos sa Islam ang pagtitipon sa karamihan ng pagsamba, isa dito ay ang Salatul Eid, ang Propeta Muhammad ﷺ ay ipinag-uutos sa lahat ng tao na sila’y lumabas at magtipon para sa pagdarasal na ito, kahit pa man ang mga kababaihan na mayroong buwanang dalaw, “upang kanilang matunghayan ang kabutihan at pag-anyaya sa mga Muslim”.

 

At maaaring maligo, magpaganda, at mag-ayos para sa pagdiriwang na ito, at pinapahintulutan sa araw ng Eidul-Fitr na kumain ng datiles bago magtungo sa lugar dasalan, kung papaano na ang Propeta Muhammad ﷺ ay hindi pumupunta sa lugar dasalan hangga’t siya ay hindi kumakain ng datiles.

 

Magsisimula ang oras ng Salatul-Eid paglagpas ng sampung minuto pagkatapos ng pagsikat ng araw, hanggang sa paglihis ng araw pagkatapos nitong gumitna sa langit. Pinapahintulutan na magsagawa ng pagdarasal sa bukas na kapatagan, at maaari din na  isagawa sa mga Masjid o bahay dasalan kung walang kakayahang isagawa ito sa bukas na kapatagan, at hindi na kinakailangan ang Adhan at Iqaamah o panawagan para sa Salah.

 

Ang Propeta Muhammad ﷺ ay lumalabas patungo sa kapatagan tuwing Fitr at Adhhaa, at kanyang uunahin na isagawa ang Salatul-Eid; at ito’y dalawang Rak’ah; siya ay magsasagawa ng anim na takbeer pagkatapos ng Takbeeratul-Ihram sa unang tayo o Rak’ah, at siya ay magbabasa ng pambungad na panalangin at magbabasa ng talata mula sa Quran.

 

At sa pangalawang tayo (magsasabi ng “Allahu- Akbar habang lumilipat ng posisyon patayo), magsasagawa ng limang Takbeer, itataas ang dalawang kamay sa tuwing Takbeer (Allahu-Akbar), maaari niyang sabihin ang Allahu-Akbar, Subhanallah, Alhamdulillah sa pagitan ng bawa’t Takbeer.

 

Kabilang sa Sunnah na kanyang basahin ang dalawang Surah, Suratul-A’la at Al-Ghashiyah, o Surah Qaaf o Al-Qamar. At magbibigay ng sermon para sa mga tao pagkatapos ng dasal, katulad ng sermon tuwing biyernes, at maaaring dumalo ang mga tao at makinig sa sermon na ito.

 

Kabilang rin sa Sunnah ang pagpunta nang maaga sa lugar dasalan ng naglalakad, at siya ay babalik sa ibang daan maliban sa kanyang pinanggalingan. Kapag ang tao ay kanyang nakaligtaan ang Salatul-Eid ay kanya itong isagawa katulad ng pamamaraan na ating nabanggit.

 

Hindi makukumpleto ang araw ng Eid, maliban sa ating pagsunod sa Allah ﷻ, at pagtugon sa kung ano ang Kanyang ipinag-uutos, “Kung sino ang sumunod sa Allah, at sa Kanyang sugo, katotohanan sila’y magkakamit ng dakilang tagumpay”.

 

 

والله تعالى أعلم…

photo_2025-04-17_08-52-23

ANG BUWAN NG ALLAH “AL-MUHARRAM

Ang buwan ng Muharram ay buwan ng Allah, ito ang unang buwan sa taon ng Hijri.

 

Ang buwan ng Muharram ay kasama sa sagradong buwan na nabanggit sa sinabi ng Allah سبحانه و تعالى:

“Ang bilang ng buwan sa Allah ay labindalawang buwan, ito ay nasa aklat ng Allah, mula sa araw ng pagkalikha ng mga langit at lupa, at dito ay nabibilang ang apat na sagradong buwan…”.

 

Ang mga sagradong buwan na nabanggit ay apat, at ito ay: Dhul-Qa’dah, Dhul-Hijjah, Al-Muharram, Rajab.

 

Katulad ng nilinaw ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, nasabi na ito ay buwan ng Allah سبحانه وتعالى tanda na ang Muharram ay dakila at sagrado.

 

Ayon sa naiulat ni Abu Hurairahرضي الله عنه sinabi  ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :

“Ang pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng pag-aayuno sa Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ang pinakamainam na Salah pagkatapos ng limang obligado ay ang Salah sa gabi”.

 

Ang paggawa ng hindi makatarungan sa mga sagradong buwan na ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Sinabi ng Allah سبحانه وتعالى:

“Huwag ninyong gawan ng hindi makatarungan ang inyong mga sarili sa loob ng mga sagradong buwan na ito”.

 

Walang duda na ang paggawa ng hindi makatarungan ay ipinagbabawal sa lahat ng oras, ngunit ang kasalanan na ito ay mas higit sa mga sagradong buwan na ito.

 

Ito ay naiulat ni Ibn Abbas رضي الله عنهما sa nabanggit na talata:

“Huwag kayong gumawa ng hindi makatarungan sa lahat ng buwan”.

 

At ihinuli ang apat na sagradong buwan bilang pagbibigay ng mas higit na babala; sapagkat ang pagsasagawa ng hindi makatarungang bagay sa mga buwan na ito ay mas malaking kasalanan; kasabay ay ang pagpapaliwanag naman sa pagsagawa ng kabutihan kung saan ay makakamit dito ang mas malaking gantimpala”.

 

Maituturing na mainam na kusang-loob na pagsamba ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram; at ito ang susunod pagkatapos ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Sa Hadith ng Propeta Muhammad صلى الله عليه و سلم ay kanyang sinabi:

“Ano ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado? At ano ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng buwan ng Ramadhan?

 

Ang susunod na mainam na dasal pagkatapos ng limang obligado ay dasal sa gabi; at ang susunod na mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Allah na Muharram”.

 

والله تعالى أعلم…

photo_2025-04-17_08-46-28

ANG BUWAN NG SHAWWAL

Ang buwan ng “Shawwal” ay malaking pintuan para sa patuloy na kabutihan pagkatapos ng Ramadhan. “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhan at kanya itong sinundan ng anim na araw na pag-aayuno sa Shawwal ay katumbas ng isang taon na pag-aayuno”.

 

Nilinaw ng Propeta Muhammad ﷺ ang pag-aayuno sa Ramadhan, ito’y iisang buwan ngunit katumbas ang sampung buwan sa gantimpala, at anim na araw upang pagkumpleto sa isang taon. At ito’y upang makabawi sa ating pagkukulang sa obligadong pag-aayuno, at sa Araw ng Paghuhukom ang ating boluntaryong pag-aayuno ang kukumpleto sa anumang kakulangan sa ating obligadong pag-aayuno.

 

Maaaring simulan ang pag-aayuno sa pangalawang araw ng Shawwal; dahil ang unang araw ay araw ng Eid, kung saan ipinagbabawal ang pag-aayuno. At pinahihintulutan ang pag-aayuno sa anumang araw sa loob ng buwan na ito, at ang pinakamainam na kabutihan ay kung ano ang maaga.

 

At hindi kinakailangan na magkakasunod ang anim na araw na ito, maaaring magkakahiwalay. At kung sinuman ang mayroong kulang mula sa obligadong pag-aayuno, ito’y kailangan niyang unahin bago ang anim na araw sa Shawwal, upang kanyang makamit ang ating nabanggit na , “nag-ayuno ng Ramadhan at kanyang sinundan ito ng anim na araw sa Shawwal”.

Hindi tama na pagsasabayin sa intensyon ang pagbabayad ng utang o kakulangan sa pag-aayuno sa Ramadhan at ayuno na Shawwal, habang pinapahintulutan na pagsabayin ang ayuno sa Shawwal kasama ang “Ayyamul-Bidh” o White days.

 

Tayo’y mayroong makukuhang biyaya sa pagpapakasal sa buwan ng Shawwal, sinabi ni Aishah رضي الله عنها: “Ako’y pinakasalan ng Propeta Muhammad ﷺ sa buwan ng Shawwal, at bumuo sa akin sa Shawwal, sino ang mas nakakahigit sa akin sa ganitong gatimpala sa mga asawa ng Propeta Muhammad ﷺ ?”.

 

Tayo’y maging masigasig sa pagsamba lalo na sa buwan ng Ramadhan at Shawwal, at sa lahat ng oras, sinabi ni Al-Hasan Al-Basri رحمه الله : “Hindi nilagyan ni Allah ﷻ ng limitasyon ang kabutihan ng mga mananampalataya maliban sa kamatayan”.

 

 

والله تعالى أعلم…

SUJUD AL-SAHU ـ    Al-Sahu sa wikang arabik ay nangangahulugang pagkalimot.

سجود السهو باللغة الفلبينية

Al-Sahu sa wikang arabik ay nangangahulugang pagkalimot.

At kahit sa ating pagdarasal ay hindi maiiwasan na tayo ay makalimot o malito sa ilang parte ng dasal, kaya’t tayo ay may tinatawag na “Sujud Al-Sahu”, at ito ay dalawang sujud o pagpapatirapa sa huli ng ating dasal, upang maging kapalit sa anuman ang ating nakalimutan o nakaligtaan mula sa mga obligadong parte ng Salah.

 

At ito ay maari nating gawin sa lahat ng salah(dasal), ito man ay obligadong salah o kusang loob.

 

Tatlo ang dahilan ng “Sujud Al-Sahu”, at ito ay dahil tayo’y may nagawa na: dagdag, kulang at pagdududa sa salah.

 

Kapag tayo ay nakalimot at nakadagdag sa salah, katulad ng: sobrang pagyuko, pagpapatira, o pag-upo; kinakailangan na tayo ay magsagawa ng sujud al-sahu pagkatapos ng tasleem.

 

At kung tayo naman ay nakalimot at nagkulang sa mga haligi sa salah, katulad ng: pagyuko at pagpapatirapa; kinakailangan na ito ay ating gawin upang pagkumpleto sa salah, at magsasagawa ng sujud al-sahu pagkatapos ng tasleem.

 

At kapag ang ating kulang naman ay obligado sa salah, katulad ng: pag-upo para unang Tashahhud, ito ay hindi na kinakailangan balikan, at magsasagawa lamang ng sujud al-sahu bago magtasleem.

 

At sa pagkakataon na tayo ay may duda sa ating salah, hindi sigurado kung tayo ba ay nasa pang tatlo o apat na bilang, dito ay ating kukunin ang mas kaunti dahil yun ang sigurado. Kanyang panghahawakan ang tatlo at hindi ang apat, at magsasagawa  ng sujud al-sahu bago magtasleem.

 

Buod ng ating nabanggit:

Sujud Al-Sahu bago magtasleem. Sujud Al-Sahu pagtapos ng tasleem.
Kapag nakaligtaan ang Wajid (Obligado) sa Salah. Kapag nakalimot ng Rukn (Haligi) sa Salah (ito man ay dagdag o kulang).
Kapag nagkaroon ng duda sa bilang.  

 

At kapag Sujud Al-Sahu ang mismong nakalimutan isagawa pagkatapos ng tasleem, ito ay dapat balikan, maliban nalang kung sobrang tagal bago ito naalala(hindi na kaya habulin) at nasira na ang wudhu, hindi na ito dapat balikan.

 

Kung ang Imam (nangunguna sa salah) ang nakalimot, ang mga Ma’mum (mga nasa likod ng Imam) ay susunod sa Sujud Al-Sahu, sila man ay nakalimot rin o hindi. At kapag ang Ma’mum ang nakalimot at hindi ang Imam, hindi na kailangan ng Sujud Al-Sahu ng Ma’mum.

 

Sa pagkakataon na nakalimot ng maraming beses, sapat na ang isang Sujud Al-Sahu. Naiulat ni Abu Hurairah رضي الله عنه , na ang Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi: “Darating ang Satanas sa inyong salah para guluhin, kung saan kayo ay magdududa kung ilan na ang inyong nadasal, at kapag ito ay nangyari, kayo ay magsagawa ng dalawang pagpapatirapa (Sujud Al-Sahu)”.

 

والله تعالى أعلم…

photo_2025-04-17_09-18-05 ى

Mga Palatandaan ng Totoong Propeta ANG SALITA NG ALLAH (ANG BANAL NA QURAN)

دلائل_النبوة_القرآن_الكريم_باللغة_الفلبينية

Sinabi ni Yahya bin Aktam: Si Ma’mun nung siya ay namumuno sa panahon nya, habang siya ay nasa pagtitipon para sa pagdebate, may Hudyo na pumasok kasabay ng maraming tao, siya ay nakadamit nang maayos, maaliwalas ang mukha, at siya ay mabango , at siya ay nagsalita sa maayos na tono.

-At pagkatapos nila sa pagtitipon, tinawag siya ni Ma’mun at tinanong: Ikaw ba ay mula sa Israel (Ikaw ba ay Hudyo) ?.

At siya ay sumagot: Oo.

-Ikaw ay pumasok sa Islam at gagawan kita ng bagay na mabuti (pinangakuan sya ni Ma’mun ng kabutihan).

-Sumagot ang Hudyo: Ito ang aking relihiyon at relihiyon ng aking mga ninuno (at ito ay umalis).

Isang taon ang lumipas at bumalik ang Hudyo at siya ay  isang Muslim na.

-At ito ay nagsalita sa maayos na pamamaraan tungkol sa Fiqh,Hadith, at pagkatapos ng kanilang pagtitipon tinawag siya ni Ma’mun at sinabi: Hindi ba ikaw ang kinausap ko dati?

-At siya ay sumagot: Oo.

-Ang sabi ni Ma’mun: Ano ang iyong dahilan bakit ka nag Muslim?

-Ang Hudyo ay sumagot: Pakinggan mo ako habang dinadakila ang  Allah, ako ay umalis nung araw na iyon at naisipan na subukan ang mga relihiyon, at maganda ang aking pagsusulat.

Sumulat ako ng tatlong kopya ng Tawrah (Libro ng mga Hudyo) at ito ay aking binawasan at dinagdagan, pagkatapos ito ay pinasok ko sa kanilang simbahan, ito ay tinanggap nila at di tiningnan kung ito ay may mali.

At ako ay sumulat ng tatlong kopya mula sa Injeel (Libro ng mga Kristiano) at ito rin ay aking binawasan at dinagdagan, at pinasok sa kanilang simbahan at di rin nila ito tiningnan kung ito ay may mali.

At ito rin ay ginawa ko sa Quran (Libro ng mga Muslim) ako ay sumulat ng tatlong kopya, ito’y aking dinagdagan at binawasan at ito ay binigay ko sa kanila at sila ay nagsabi na hindi namin ito tatanggapin haggat di namin nababasa at nasusuri ng maayos, at nakita nila lahat ng mga mali.

Nakita nila ang mga dagdag at bawas kaya’t ito ay kanilang sinunog at muntikan ako patayin, dito ko nalaman na itong aklat na ito (Ang Quran) ay pinangalagaan ng Panginoon at ito ang dahilan bakit ako pumasok sa relihiyong Islam.

TAWHEED AL-ULUHIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA PAGSAMBA)

توحيد_الألوهية_باللغة_الفلبينية

Pagkatapos maniwala ng isang tao sa Al-Rububiyah, kinakailangan ang pananamapalataya na si Allah ﷻ  ang Nag-iisa sa ating lantaran at patago na pagsamba, at hindi natin sasambahin ang kahit sino maliban sa natatanging tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at tanging nangangasiwa sa Kanyang kaharian.

 

Ating mapapagtanto na hindi sapat na maniwala ang isang tao na mayroong nag-iisang tagapaglikha, nagbibigay ng biyaya, at hindi matatawag na isang Muslim. At kinakailangan na ating maging layunin na si Allah ﷻ  ang kararapat na Nag-iisa sa ating pagsamba.

 

Sa ganitong dahilan hindi naging mananampalataya ang mga Mushrikun o mga tumaliwas at nagtambal sa Allah ﷻ , at kung ating titingnan ang mga talata sa Qur’an na nagsasaad ng pagiging panginoon ni Allah, ito’y palaging sinusundan ng pag-anyaya sa Kanyang karapatan sa pagsamba.

 

Ang Tawheed Al-Uluhiyah ay pondasyon ng relihiyong Islam na kung saan kapag ito’y nasira, hindi matatawag na mananampalataya ang isang tao, at sa ganitong klase ng kaisahan ng panginoon ipinadala ang mga rebelasyon kasama ang mga Propeta, at sa ganitong klase ng kaisahan ng panginoon nilikha ang paraiso at impiyerno.

 

Ang kaisahan ni Allah ﷻ sa Kanyang pagsamba ay kinakailangan na tayo’y magkaroon ng sinsiridad sa relihiyon, ang ating pagmamahal, pagdakila, pagtitiwala, pagdepende, pagkatakot, at pananalangin ay lahat kay Allah lamang. At wala tayong pagsumpa, pag-aalay o pagsasakripisyo maliban na ito’y para sa Allah lamang, at ganito ang ating gagawin sa lahat ng ating pagsamba, ito man ay pagsamba na nararamdaman ng ating puso, o pagsamba na ginagawa ng ating katawan, lahat ay iuukol sa Allah, nang walang halong pagtatambal.

 

 

والله تعالى أعلم…

TAWHEED AL-RUBUBIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA KANYANG ABILIDAD)

توحيد الربوبية باللغة الفلبينية

Alam mo ba kung ano ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin?…

At naisip mo ba papaano natin ito magagampanan?…

 

Ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin ay kanilang pagsamba sa kanya ng walang pagtatambal, at ang Tawheed o kaisahan ni Allah ﷻ  ay nahahati sa tatlong klase: Tawheed Al-Rububiyah, Tawheed Al-Uluhiyah, Tawheed Al-Asmaa wa Al-Sifaat.

 

Ang Tawheed Al-Rububiyah ay kaisahan ni Allah ﷻ sa kanyang kapangyarihan at abilidad. Ito ay ating panghahawakan ng walang alinlangan na si Allah ﷻ ang nag-iisa sa kanyang abilidad na lumikha, pagbaba ng biyaya, at pangangasiwa.

 

At ating paniniwalaan na si Allah ﷻ ang nag-iisa sa kanyang kaharian, pagbibigay ng buhay, at ganun rin sa pagbawi nito. At si Allah ﷻ lamang ang nag-iisa sa pagtulong, at pagpapahintulot ng pinsala o kapahamakan, at siya ang nag-iisa sa pakikinig ng mga panalangin ng mga nangangailangan.

 

At ang Allah ﷻ ay nilubos ng walang limitasyon na biyaya ang lahat ng kanyang mga alipin, at biyaya ng gabay ay pinagkaloob lamang sa mga mananampalataya, si Allah ﷻ  ang panginoon at lumikha ng lahat,  lahat ay sumasailalim sa kanyang kaharian, ang lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan at kung ano ang nasa pagitan nito ay kanyang tagasunod.

 

At kahit ang mga hindi mananampalataya sa Makkah (Quraish) ay naniniwala sa ganitong uri ng kaisahan ni Allah (Al-Rububiyah), ngunit kahit sila ay maniwala sa Al-Rububiyah (kaisahan ni Allah sa kanyang mga kakayahan), ito ay hindi sapat hanggat hindi sila naniniwala sa kaishan ni Allah ﷻ sa pagsamba (Al-Uluhiyah) at sa kaisahan ni Allah ﷻ sa kanyang mga pangalan at mga katangian (Al-Asmaa wa Al-Sifaat).

 

 

 

والله تعالى أعلم…

GALAW NG ATING DILA SA PAG-ALALA SA ALLAH ﷻ

تحريك_اللسان_في_الذكر_باللغة_الفلبينية

Kinakailangan ba na gumalaw ang ating dila sa tuwing tayo ay nagbabasa ng Qur’an o sa tuwing pag-alala sa Allah?

 

– Ang Dhikr o pag-alala sa Allah سبحانه و تعالى ay nabibilang sa pinakadakilang pagsamba ng isang Muslim, at bukod dito, naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsambit ng dila, ito rin ay dapat isagawa ng may mataimtim na puso at sumasambang katawan.

 

– Ang pag-alala na isinasapuso ay pagnilay-nilay sa mga tanda na ibinigay ng Allah سبحانه و تعالى  na may kasamang pagkatakot, pagmamahal, at pagtitiwala, at iba pa na mararamdaman ng ating puso.

 

– Ang pag-alala naman gamit ang ating dila ay ang pagbibigkas ng lahat ng mga salitang minamahal ng Allahسبحانه و تعالى upang mapalapit sa Kanya; at ang pinakamataas sa mga salitang ito ay ang pagsambit ng:

“La ilaha illallah”- walang ibang diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah.

 

– Ang pag-alala naman sa Allah سبحانه و تعالى gamit ang ating katawan, ito ay ang pagsasagawa ng lahat ng gawain/pagsamba upang mapalapit sa Allah سبحانه و تعالى  katulad ng:

Salah, Pagpapatirapa, Pagpapakapagod para sa landas ng Allah, at pagsasagawa ng kawanggawa.

 

Lahat ng ito ay nabibilang sa pag-alala sa Allah ﷻ.

 

Kaya’t ang pag-alala sa Allah, katulad ng:

pagbabasa ng Qur’an, pagsambit ng Tasbeeh (Subhanallah), Tahmeed (Alhamdulillah), Tahleel (La ilaha illallah), mga panalangin na binabanggit tuwing umaga, gabi, sa pagtulog, pagpasok ng palikuran at iba pa, ay dapat binibigkas sa ating gumagalaw na dila, at hindi ito matatawag na tunay na pag-alala kapag ito ay hindi binigkas ng ating dila.

 

Si Imam Malik رحمه الله  ay tinanong tungkol sa taong nagbabasa sa dasal, at walang nakakarinig sa kanya, kahit ang kanyang sarili.

 

Sinabi ni Imam Malik رحمه الله ” : Hindi ito matatawag na pagbabasa, dahil ang pagbabasa ay kung saan ang dila ay gumagalaw”.

 

At tinanong si Sheikh Ibn Uthaymin ; رحمه الله

“Kinakailangan ba na bigkasin sa dila ang pagbabasa ng Qur’an sa loob ng Salah, o sapat na ito ay sa puso lamang?”

 

Ang sagot ni Sheikh Ibn Uthaymin: رحمه الله

“Hindi makukuha ang gantimpala sa Salah ng tao na nagbabasa lamang sa kanyang puso, ganoon din sa mga Adhkar o pag-alala sa Allah.

 

Nararapat na gumalaw ang dila at mga labi sa kadahilanang ito ay mga salita, at ang pagbigkas ng salita ay hindi mabubuo kundi sa pag-galaw ng dila at mga labi”.

 

والله تعالى أعلم…

MGA KATURUAN SA PANUNUMPA

أحكام اليمين باللغة الفلبينية

Ang (Yamin o Qasam) sa wikang arabik ay pagsambit ng isang dakila para sa larangan ng isang bagay, ito rin ay matatawag na panunumpa. Maaaring manumpa gamit ang pangalan ng Allah ﷻ, katulad ng pagsabi ng: “Wallaah, Warrahmaan…”, at pwede rin sa pamamagitan ng katangian ni Allah ﷻ, katulad ng: “Wa Izzatullah wa jalaluhu”.

 

At ang dahilan sa panunumpa ay upang panindigan at pagbibigay patunay sa isang bagay. At upang mas lubos na paniwalaan ng tao ang taong manunumpa, o kaya naman ay para mas magkaroon ng determinasyon ang taong manunumpa, at pwede rin gamitin ang panunumpa bilang pag-uutos o pagbabawal.

 

Ating dapat tandaan na ang panunumpa ng madalas ay kinamumuhian sa turo ng Islam, sa sinabi ng Allahﷻ  sa Qur’an: “At huwag kang sumunod sa bawa’t taong walang katuturan, labis sa panunumpa”. At sinabi ni Allah: “inyong pangalagaan ang inyong panunumpa”.

 

Mahigpit na ipinagbabawal sa Islam ang panunumpa maliban sa Allah ﷻ , sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ : “Tunay na kayo ay pinagbabawalan ni Allah na manumpa sa inyong mga ninuno, kung sinuman sa inyo ang manunumpa, sya ay sumumpa sa Allah, kundi mas mainam na sya ay manahimik”.

 

Ang (Yamin) o panunumpa ay iba-iba:

  • Mayroong panunumpa para sa isang nakaraan na insidente/balita, at kapag ito ay tugma sa katotohanan ito ang tinatawag na totoong panunumpa, kapag ito naman ay hindi totoo, sya ay matatawag na panunumpang lubog; dahil nalulubog ang tao sa kasalanan hanggat hindi ito hinihingi ng tawad, at kailangan ibalik ang mga karapatan.

 

  • Mayroon namang panunumpa para sa darating na insidente, at ito ay para maging obligado sa ating sarili o sa iba ang paggawa o pag-iwan ng isang bagay; katulad ng pagsabi ng: “Ako ay nanunumpa sa ngalan ni Allah, ako ay pupunta sa taong ito, o ako ay papasok sa bahay ng taong ito”. At ito ang tinatawag na panunumpa na nakasalalay sa ating pagtugon.

 

  • At may panunumpa na walang katibayan at paninindigan, dulot ito ng nakasanayan ng ating dila, mga panunumpa na kung saan hindi para sa mga tunay nitong kahulugan, katulad ng pagsabi ng: “La wallah/ Bala wallah”.

 

Kung sino ang manumpa, at sya ay mayroong mas mainam na nakikita kesa dito, kanyang gawin ang mas nakakahigit, at pagbayaran ang naunang panunumpa.

 

Ang ating babayaran lamang ay ating panunumpa sa mga bagay na dapat nating tugunan, hindi sa kung ano ang ating nasasabi dulot ng nakasanayan ng ating dila. Sinabi ni Allah ﷻ sa Qur’an: “Hindi kayo mananagot sa anumang hindi ninyo sinadya sa mga panunumpa, nguni’t kayo ay mananagot sa anumang sinadya ng inyong puso, ang kabayaran nito ay ang pagpapakain ng sampung mahihirap (ayon sa inyong karaniwang pagpapakain sa pamilya) o sila ay inyong damitan, o ang pagpapalaya ng isang alipin. Ngunit sinuman ang walang kakayahang gawin ito; sya ay mag-aayuno ng tatlong araw. Ito ang kabayaran ng inyong panunumpa…”.

 

Ating matututunan sa talata, kailangan nating pagbayaran ang hindi natin pagtugon sa panunumpa; unang-una tayo ay mamimili sa tatlo:

  • Pagpapakain sa sampung mahihirap.
  • O pagdadamit sa sampung mahihirap.
  • O pagpapalaya ng isang alipin.

At kapag hindi ito kayang gawin, ang kanyang kabayaran ay pag-aayuno ng tatlong araw (mainam na ito ay sunod-sunod).

 

At kapag ikaw ay nagsabi sa iyong panunumpa ng: “Wallahi ito ay aking gagawin, InshaAllah (sa kapahintulutan ni Allah)- ito ay hindi kinakailangan na pagbayaran, sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ : “Kung sinuman ang manumpa at kanyang sinabi “InshaAllah” (sa kapahintulutan ni Allah); ito ay hindi kailangan pagbayaran kapag hindi natugunan”.

 

والله تعالى أعلم…

MGA KAUGALIAN SA ARAW NG

آداب_يوم_الجمعة_باللغة_الفلبينية

MGA KAUGALIAN SA ARAW NG

Dapat nating tanungin ang ating sarili, nagagawa ba natin ang mga pinag-uutos na kaugalian sa Araw ng Jumuah?.

May mga tamang kaugailan na dapat isagawa ng isang Muslim sa Araw ng Jumuah, at ito ay:

  • Ang pagligo, pagpapabango, paglilinis ng bibig gamit ang ugat ng Siwak, at paglalagay ng langis para sa buhok.
  • Ang pagsusuot ng pinaka maganda at maayos na ating damit.
  • Takbeer o Pagsabi ng “Allahu Akbar” hanggang sa Salah ng Jumuah.
  • Ang pag-iwas na makagawa ng perwisyo sa mga tao na nagdadasal sa araw na ito.
  • Pagbabasa ng Surah Al-Kahf.
  • Ating paghihintay sa oras na kung saan ang ating mga panalangin ay dinidinig sa oras na ito.
  • Ang pagpaparami sa pag-alala sa Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa araw at gabi ng Jumuah.

والله تعالى أعلم…