
ANG MAGANDANG HINALA SA ALLAH ﷻ AY GAAN NG PAGSUBOK
تهون_المصائب_إذا_استقبلناها_بحسن_الظن_بالله_باللغة_الفلبينية ANG MAGANDANG HINALA SA ALLAH ﷻ AY GAAN NG PAGSUBOK Ang magandang hinala kay Allah ﷻ ay matatawag na magandang pagsamba na mararamdaman sa ating puso, at ito ay ating pananampalataya ng tama sa pangalan, katangian, at abilidad ni Allah. Ang magandang hinala sa Allah ﷻ ay kinakailangan na ating panghawakan na si Allah ﷻ ay may awa sa mga taong dapat kaawaan, at sila ay...
ANG MAGANDANG HINALA SA ALLAH ﷻ AY GAAN NG PAGSUBOK
تهون_المصائب_إذا_استقبلناها_بحسن_الظن_بالله_باللغة_الفلبينية
ANG MAGANDANG HINALA SA
ALLAH ﷻ AY GAAN NG PAGSUBOK
Ang magandang hinala kay Allah ﷻ ay matatawag na magandang pagsamba na mararamdaman sa ating puso, at ito ay ating pananampalataya ng tama sa pangalan, katangian, at abilidad ni Allah.
Ang magandang hinala sa Allah ﷻ ay kinakailangan na ating panghawakan na si Allah ﷻ ay may awa sa mga taong dapat kaawaan, at sila ay patatawarin kung sila ay tapat na humingi ng kapatawaran, at tatanggapin mula sa kanila ang kanilang mga pagsamba.
At ating panghahawakan na anuman ang itinakda ni Allah ﷻ na ito’y may mabuting rason, at kung sino ang magsabi na ang magandang hinala sa Allah ﷻ ay hindi kinakailangan ng gawa at pagkilos ay nagkakamali.
Kaya’t kung may isang tao na siya ay may magandang hinala na ipagkakaloob sa kanya ang maraming pananim sa kanyang lupa, ngunit siya ay walang pagkilos na ginagawa, ito man ay pagtatanim, pagdidilig at iba pa, siya ay matatawag na may kakulangan sa kanyang pag-iisip.
At ang pagkakaroon ng magandang hinala sa Allah ﷻ ay hindi pinapahintulutan habang kinaliligtaan ang mga obligado, at gumagawa ng kasamaan, mayroong pagmamataas, at kumpiyansa sa sarili ang taong gumagawa nito, sinabi ni Ibnul Qayyim رحمه الله: “Ang pagkakaiba ng magandang hinala at pagiging kumpiyansa sa sarili; kapag ito ay nakakatulong sa iyong pagsamba at paggawa ng kabutihan; ito ay magandang hinala sa Allah ﷻ, at kapag ito ay patungo sa walang pagkilos at walang kabuluhan sa kanyang gawain, ito ay (Ghurur) pagmamataas at pagiging kumpiyansa sa sarili”.
Nararapat na ang isang Muslim ay parating maganda ang kanyang hinala sa kanyang panginoon, at ito ay papasok sa dalawang sitwasyon:
Una: Tuwing siya ay nasa pagsamba/pagsunod, sa naiulat na Hadith Qudsi; sinabi ni Allah : “Ako ay nasa kung saan ang hinala ng aking alipin, ako ay malapit sa kanya kapag ako’y kanyang inaalala, kapag ako ay kanyang inaalala sa kanyang sarili, siya ay aking aalahanin, kapag ako’y kanyang inaalala sa grupo, siya ay aking aalahanin sa grupo na mas mainam sa kanila, at kapag siya ay lumapit sa akin ng isang dangkal, ako’y lalapit sa kanya ng kasing haba ng siko, at kapag siya ay lumapit sakin ng kasing haba ng siko, ako’ lalapit sa kanya ng isang dipa, at kapag siya ay lumalapit sakin ng naglalakad, ako’y lalapit sa kanya ng patakbo”.
At kung sino ang namnamin ang salitang ito, magiging maganda ang kanyang hinala sa kanyang panginoon.
Pangalawang sitwasyon na dapat maganda ang ating hinala sa panginoon: Tuwing mayroong pagsubok, o pumapalapit na kamatayan; ayon sa naiulat ni Jabir رضي الله عنه kanyang narinig ang Propeta Muhammad ﷺ na nagsabi: “Huwag hahayaan ng sinuman sa inyo na siya ay aabutan ng kamatayan, maliban na ang kanyang hinala sa Allah ay mabuti”.

ANG MAGANDANG HINALA SA ALLAH ﷻ AY GAAN NG PAGSUBOK
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device

( وماهو على الغيب بضنين ) viņš nav skops attiecībā uz atklāsmi, nedz arī slinko vēstījuma nodošanā un mācīšanā, bet gan sniedz visas zināšanas, kuras cilvēks ir gatavs saņemt, atšķirībā no zīlniekiem." Zīlnieki neko nedod, nemāca un nesniedz zināšanas, kuras apgalvo zinām, izņemot par samaksu.
April 22, 2025