
TAWHEED AL-RUBUBIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA KANYANG ABILIDAD)
توحيد الربوبية باللغة الفلبينية Alam mo ba kung ano ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin?… At naisip mo ba papaano natin ito magagampanan?… Ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin ay kanilang pagsamba sa kanya ng walang pagtatambal, at ang Tawheed o kaisahan ni Allah ﷻ ay nahahati sa tatlong klase: Tawheed Al-Rububiyah, Tawheed Al-Uluhiyah, Tawheed Al-Asmaa wa Al-Sifaat. Ang Tawheed Al-Rububiyah ay kaisahan ni Allah...
TAWHEED AL-RUBUBIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA KANYANG ABILIDAD)
توحيد الربوبية باللغة الفلبينية
Alam mo ba kung ano ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin?…
At naisip mo ba papaano natin ito magagampanan?…
Ang karapatan ni Allah ﷻ mula sa kanyang mga alipin ay kanilang pagsamba sa kanya ng walang pagtatambal, at ang Tawheed o kaisahan ni Allah ﷻ ay nahahati sa tatlong klase: Tawheed Al-Rububiyah, Tawheed Al-Uluhiyah, Tawheed Al-Asmaa wa Al-Sifaat.
Ang Tawheed Al-Rububiyah ay kaisahan ni Allah ﷻ sa kanyang kapangyarihan at abilidad. Ito ay ating panghahawakan ng walang alinlangan na si Allah ﷻ ang nag-iisa sa kanyang abilidad na lumikha, pagbaba ng biyaya, at pangangasiwa.
At ating paniniwalaan na si Allah ﷻ ang nag-iisa sa kanyang kaharian, pagbibigay ng buhay, at ganun rin sa pagbawi nito. At si Allah ﷻ lamang ang nag-iisa sa pagtulong, at pagpapahintulot ng pinsala o kapahamakan, at siya ang nag-iisa sa pakikinig ng mga panalangin ng mga nangangailangan.
At ang Allah ﷻ ay nilubos ng walang limitasyon na biyaya ang lahat ng kanyang mga alipin, at biyaya ng gabay ay pinagkaloob lamang sa mga mananampalataya, si Allah ﷻ ang panginoon at lumikha ng lahat, lahat ay sumasailalim sa kanyang kaharian, ang lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan at kung ano ang nasa pagitan nito ay kanyang tagasunod.
At kahit ang mga hindi mananampalataya sa Makkah (Quraish) ay naniniwala sa ganitong uri ng kaisahan ni Allah (Al-Rububiyah), ngunit kahit sila ay maniwala sa Al-Rububiyah (kaisahan ni Allah sa kanyang mga kakayahan), ito ay hindi sapat hanggat hindi sila naniniwala sa kaishan ni Allah ﷻ sa pagsamba (Al-Uluhiyah) at sa kaisahan ni Allah ﷻ sa kanyang mga pangalan at mga katangian (Al-Asmaa wa Al-Sifaat).

TAWHEED AL-RUBUBIYAH (KAISAHAN NI ALLAH SA KANYANG ABILIDAD)
Scan QR Code | Use a QR Code Scanner to fast download directly to your mobile device